π—•π—œπ—‘π—¨π—žπ—¦π—”π—‘ π—‘π—œ π—£π—”π—‘π—šπ—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—€π—¨π—˜π—­π—’π—‘ π—”π—‘π—š π— π—”π—Ÿπ—”π—–π—”π—‘π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—žπ—’

π—•π—œπ—‘π—¨π—žπ—¦π—”π—‘ π—‘π—œ π—£π—”π—‘π—šπ—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—€π—¨π—˜π—­π—’π—‘ π—”π—‘π—š π— π—”π—Ÿπ—”π—–π—”π—‘π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—žπ—’
December 1, 1935. Sa kauna-unahang pagkakataon, binuksan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Malacanan Palace sa publiko. Bukas ang Malacanan Palace sa publiko mula 9:30 hanggang 11:30  ng umaga. Mula 8:00 A.M. hanggang 5:00 A.M. naman maaaring bisitahin ng publiko ang Malacanan grounds. Isinunod ang schedule ng pagbisita ng mga tao mula sa kasanayan sa White House sa U.S.

Sa kanyang diary, naitala ni American governor-general Francis Burton Harrison na dinagsa ng maraming tao ang Malacanan sa unang araw ng pagbubukas nito. Ani Harrison, “Sunday a.m. MalacaΓ±an Palace was thrown open to the public by the President’s orders—crowds of tao sightseers…”

Ang Malacanan Palace ay ang opisyal na tahanan ng mga Pangulo ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa distrito ng San Miguel sa lungsod ng Maynila.

#NgayongArawSaKasaysayan 

Sanggunian:

[1] The Official Gazette of the Philippines, News Summary, Philippine Magazine: November 18 — December 13, 1935
(Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/1935/01/01/news-summary-philippine-magazine-november-18-december-13-1935/)

[2] The Philippine Diary Project, Francis Burton Harrison, December 1, 1935
(Retrieved from https://philippinediaryproject.com/1935/12/01/december-1-1935/)

Comments