HINDI KA MAUUBUSAN KASI MAPAGBIGAY KA.
This is a gentle reminder to all the breadwinner, working young people or millenials, whose majority of their salary goes to their family.
Okay lang kung madalas nararamdaman mo na ang pagod at hirap.
Okay lang kung minsan parang ayaw mo na, suko ka na, nagsasawa ka na.
Okay lang din kung madalas nararamdaman mo, paano naman ikaw kung puro na lang iba.
Okay lang yan.
Pero sana piliin mong maniwala at magtiwala na darating din yung araw na hindi ka na mauubusan.
Whatever that you give, it will come back to you.
Hindi man ngayon, hindi man sa paraang ineexpect mo.
Pero lahat ng mga ibinibigay mo ng may puso, paniguradong babalik sayo.
Kapit ka lang. Malapit na.
Balang araw, hindi mo mo na kailangang mag isip kung sasapat ba.
Kasi lahat ng ibibigay sa'yo ay sobra at higit pa.
Hindi mo na rin kailangang isipin na tsaka na lang.
Kasi darating din yung oras na ikaw naman.
Konting tiis lang. Samahan mo lang palagi ng panalangin at pagmamahal.
Darating ka rin.
Darating rin.
Mapagbigay ka. Kaya paniguradong bibigyan ka rin ng sobra sobra.
Yours truly,
Comments