ππ‘π π£ππ πππ‘π¦ππ‘π πͺππ§ππͺππ§ π‘π π¦ππ‘πππ£π’π₯π
ππ‘π π£ππ πππ‘π¦ππ‘π πͺππ§ππͺππ§ π‘π π¦ππ‘πππ£π’π₯π
Ang Straits Settlements ay dating kolonya ng Britanya na matatagpuan sa Strait of Malacca. Binubuo ito ng apat na trade centers na itinatag o ‘di kaya’y nakuha ng British East India Company. Binubuo ito ng kolonya ng Penang, Malacca, Labuan, at Singapore. Taong 1819 nang itatag ang Singapore. Sa pagtatapos ng World War II, kumalas ang Singapore mula sa Britanya. Kasabay ng kanilang pagsasarili ay ang paggamit nila ng sariling watawat.
Ang pagbuo ng pambansang watawat ng Singapore ay iniatas sa mga bagong halal na gabinete noong 1959. Si noo’y Deputy Prime Minister Dr. Toh Chin Chye ang namuno sa komiteng bubuo sa bagong watawat ng Singapore, na siyang papalit sa British Union Jack na ginagamit ng kolonya mula 1819. Sa paghabi ng bagong watawat, masusi nilang pinag-aralan maging ang watawat ng ibang bansa. Matapos ang mga pag-aaral, pormal na inendorse ng Legislative Assembly ang red and white flag ng Singapore noong November 18, 1959. Pinakilala sa publiko ang bagong watawat noong December 3, 1959. Ang watawat na ito ang siya ring watawat na kanilang ginamit sa kalayaan ng Singapore mula Malaysia noong 1965.
Ang pambansang watawat ng Singapore ay binubuo ng dalawang kulay: pula para sa pandaidigang pagkakaisa at pagkakapantay-pantay, at puti para sa kalinisan at birtud. Ang crescent moon ay sumisimbolo sa pagsilang ng bagong nasyon, habang ang limang bituin ay kumakatawan sa demokrasya, kapayapaan, pag-unlad, hustisya, at pagkakapantay-pantay.
#NgayongArawSaKasaysayan
Comments